A WEDDING fit for a royalty ang description ni Ruffa Gutierrez at ni Rajo Laurel sa marangyang kasal ng daughter ni Dra. Vicki Belo na si Cristalle Belo Henares sa Italya.

Kinasal si Cristalle sa kanyang Australian hotelier fiance na si Justin Pitt nu’ng Huwebes sa Villa Erba sa may Lake Como.

Bulong sa amin ng isang malapit sa pamilya Belo, si Dra. Vicki ang gumastos sa nasabing kasal na uma­bot ng kung ilang milyon ang halaga.

Kahit kasi gene­ral manager pa ng isang international hotel chain ang napangasawa ni Cristalle ay hindi nito kakayanin ang laki ng gastos sa isang ganu’n kaenggrandeng destination wedding.

cristalle-justineCredit: www.queeniewedding.co.uk

Kung totoo man ay tiyak na hindi ‘yon isyu sa napakayamang celebrity doctor dahil para ‘yon sa kanyang pinakamamahal na unica hija.

Ang mahalaga ay sobrang saya ni Cristalle at natupad ang dream wedding nito.

Sa sheer wedding gown pa lang ni Cristalle na gawa ng Israeli-born designer na si Inbal Dror ay halos half a million pesos na raw.

Bago nagsimula ang wedding ceremony ay pina-off ang mga celfone at cameras ng mga nandu’n para maging solemn ang kasal.

Kaya walang kumalat sa social media na pics at videos nu’ng actual wedding.

Absent ang madir ni Cristalle na si Dra. Vicki sa kasal nila ni Justin dito sa ‘Pinas nu’ng September 8, pero present ito sa Italya kasama si Hayden Kho Jr. at ang anak nilang si Scarlet Snow.

Sa sosing reception sa Villa Erba ay may mga hunk na bumabanat ng Italian opera songs, na ikinatuwa lalo na ng mga babaeng bisita.

Kabilang sa bridesmaids si Ruffa Gutierrez na kasama sa Italy ang hunky boyfie nito na si Jordan Mouyal.

Present din sina Raymond Gutierrez, ang malaki na ang tiyan na si Georgina Wilson kasama ang British hubby nitong si Arthur Burnand, Phoemela Baranda, Tim Yap, Georcelle Dapat-Sy ng G-Force.

Uso ang dreamy destination weddings na pinasimulan nina Solenn Heussaff-Bolzico, Georgina Wilson-Burnand at Isabelle Diaz-Semblat.

Hindi nagpatalbog si Cristalle sa tatlong ‘It Girls’ at tila mas magarbo pa ang kasal niya kesa sa tatlo!

More info: http://www.queeniewedding.co.uk/plus-size-wedding-dresses